Monday, March 10, 2008

Babagsak si Gloria!

Ang mga pangyayari ngayon sa bansa katulad ng lumalalang krisis pang-ekonomiya, bumabagsak na kabuhayan ng mga Pilipino, tumitinding krisis pampulitika, dismoralidad sa eleksyon, parami-ng-paraming biktima ng political killings at disappearance, at iba pang mga di kanais-nais na pangyayari ay hudyat ng palipas nang uri ng lipunan (semi-feudal, neo-colonial) sa bansa.





Mauuna si Gloria!

Halatang nagpoposturang tigasin ang ang (P)resident Evil ng Malacanyang na si Gloria Macapal Arroyo kasama ang kanyang mga alipores at kapamilya na tinaguriang Mafia sa Malacanyang.


Ilang ulit sinabi ng rehimen na hindi siya bababa sa poder at may balak pa itong umupo sa pwesto lagpas ng 2010 sa pamamagitan ng CHA-CHA o di kaya'y Martial Law.

Pero kahit ano pang sabihin ng rehimen, halatang namumuo na ngayon at patuloy na lumalakas ang demokratikong pwersang nananawagan sa pagpapatalsik kay GMA. Halos sa lahat ng araw, binabato ng mga batikos at malalakas na protesta si GMA at nakakasisiguro tayong praning ang pangulo kung paano mabawasan ang mga kontradiksyon sa kanyang panunungkulan.

Kagaya noong mga nakaraang "people power", ang lahat ng mga elemento sa pagpapatalsik sa isang basurang presidente ay makikita mo rin sa panahon ni Arroyo.

Malaking isyu
  • (ZTE-NBN)

  • Namumuo o palaki-ng-palaking kilos protesta. (mainly manggagawa at magsasaka, estudyante at ilang propesyunal)

  • pagtiwalag ng ilang alipores ng rehimen

  • Pagsama ng taong simbahan sa panawagan ng taongbayan (individuals lang)

  • Political Repression

  • Pagkahati-hati ng military (hindi masyadong halata) - babaliktad lang ang militar sa panahon na mas dadami pa ang taong magpoprotesta.
Tigreng-Papel

Tigreng-Papel ang rehimen kung ikukumpara sa lakas ng pagkakaisa ng taongbayan. Matatapang lang ang kanyang mga binibitawang salita samantalang alam naman natin kung gaano kalakas ang kanyang panunungkulan.

Gumamit na ang rehimen ng dahas sa pagsupil sa lumalaking kilos protesta, pinararatangan niyang may mga miyembro daw ng NPA na sasama sa mga rally. Lumang tugtugin naman ang naging sagot ng taong-bayan sa paratang ng rehimen. Ginagawa niya ito upang gawing lehitimo ang pagsupil sa karapatang-pantao at buwagin ang mga mobilisasyon ng taongbayan.

Hindi na niya kayang lokohin ang taongbayan sa pamamagitan ng kanyang propagandang pangkabuhayan at kaunlaran. Kaya ang dahas ang huling-baraha ng rehimen, kagaya nalang sa mga nagdaang pangulo na napatalsik ng people power.

Sa paggamit ng rehimen ng dahas, lalong nagiibayo ang galit sa puso ng mamamayan, lalong lalakas ang pagtutol, lalong pinapadali ni GMA ang kanyang panunungkulan.

Sa sitwasyon ngayon, halatang Mauuna si Gloria!

Alternatibo:

Nananatiling tapat ang pangulo sa US para lalong lumakas ang kapit nito sa Malakanyang, ang US naman ay hindi pa tinatanggal ang suporta kay Gloria. Pero alam nating lahat na darating din ang araw, katulad sa nangyari kay Marcos at Estrada, kapag mabaho na talaga ang tuta ng US sa poder, hindi na niya kaya pang suportahan nito at siguradong itatambak nalang ito sa basurahan ng kasaysayan.

Noong nakaraang people power, nakamaniobra ang US sa pamamagitan ng paglalagay ng kanyang mga tuta sa hanay ng mga nagpoprotesta at nagpo-project pa para tanghaling susunod na presidente. Pero pasencya sa US dahil natuto na ang masa sa kanyang karanasan sa people power. Hindi solusyon ang paggamit ng Law of succession, dapat magkaroon ng bagong alternatibo. Kagaya ng people power ang Transition council ang pinakapatok ngayon sa taongbayan. Isa itong extra-legal na paraan. Ito ang magbibigay ng immediate relief sa masa dahil tatanggalin nito ang lahat ng anti-people na batas na pinirmahan ng pangulo. Ito rin ang maghahanda para sa susunod na eleksyon kung ninanais ng mamayan na magkaroon pa ng panibagong eleksyon.



No comments:

Labels